Obrero hulog mula 3rd flr, dedo

MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na construction worker ang nasawi nang mahulog ito mula sa ikatlong palapag ng gusaling kanilang itinatayo matapos siyang sumpu­ngin umano ng altapresyon sa Brgy. 13, Laoag City, Ilocos Norte nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ni Lt. Colonel Amador Quiocho, hepe ng Laoag City PNP na ipinaiimbestiga na niya ang kamatayan ni Loreto Batangan ng Brgy. Salet Bulangon dahil hindi agad ini-report ng kanyang mga amo ang insidente sa otoridad.

Ayon kay Quiocho, altapresyon ang naging sanhi ng kamatayan ni Batangan batay sa fin­dings ng pagamutang pinagdalhan sa kanya kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na una nang sinabi ng biktima na mabigat ang kanyang pakiramdam noong umaga ng Biyernes bago pa man magsimulang magtrabaho.

Show comments