MANILA, Philippines — Isang barangay chairman ang pinagbabaril ng apat na armadong kalalakihan na pumasok sa kanyang bahay sa Brgy. Rombang, Laoang, Northern Samar kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Carmelito Baluyot, 51 chairman ng Brgy. Rombang ng bayang nabanggit.
Sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi ay nasa loob at nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang puwersahang pumasok ang apat na salarin na armado ng mga baril.
Nang masigurong patay na ang biktima ay nagsitakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Inireport sa pulisya ni Junicar Baluyot, anak ng biktima ang ginawa sa kanyang ama, subalit hindi na nahabol ng mga rumespondeng pulis.