Bangka lumubog: 59 sakay nasagip

MANILA, Philippines — Masuwerteng nailigtas ng mga otoridad ang 52 pasahero at pitong crew kabilang ang kapitan ng isang bangka matapos itong tumaob at lumubog makaraang balyahin ng malakas ng alon sa karagatan ng Brgy. Matobato, Calbayog City, Samar nitong Lunes ng tanghali.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng umaga nang mangyari ang insidente habang naglalayag sa lugar ang M/B Miar Romces nang bigla na lamang itong balyahin ng dambuhalang alon na sinabayan pa ng malalakas na hangin.

Dahil dito ay tumaob at lumubog ang bangka may isang kilometro ang layo sa pier ng Calbayog City.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue ope­ration ang mga elemento ng Philippine Coast Guard, City Disaster Risk Reduction and Management Council, Maritime Group at Lite Ferries Crews kung saan matagumpay na nasagip ang lahat ng pasahero at crew ng lumubog na bangka.

Show comments