Mag-asawa hinagupit ng ipu-ipo sa dagat

MANILA, Philippines — Lumubog ang bangka na sinasakyan ng mag-asawa matapos na hagupitin ng ipu-ipo habang naglalayag sa karagatan ng San Pablo, Zamboanga del Sur, kamakalawa.

Nalunod at nasawi ang ginang na si Liza Rivera, 51, ng Brgy. Tandubuay, San Pablo. Habang masuwerteng nakaligtas ang mister nitong si Nemisio Rivera, 49.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 9, bago nangyari ang insidente bandang alas-4:30 ng hapon sa bisinidad ng karagatan ng Brgy. Village, San Pablo, Zamboanga del Sur ay lulan ng bangkang de motor ang mag-asawa na naglalayag sa nasabing karagatan.

Bigla na lamang dumilim ang paligid kasunod ng malakas na ihip ng hanging dala ng ipu-ipo at lumubog ang sinasakyan nilang bangka.

Ang mag-asawa ay dinala sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay ang ginang.

Show comments