MANILA, Philippines — Aabot sa 106 foreign nationals na nagtatrabaho ng walang dokumento ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration nang salakayin ang isang business process outsourcing company sa Biñan, Laguna.
Nabatid na naaktuhan ng mga operatiba ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa BPO nang walang sapat na dokumento o mga visa para makapagtrabaho sa loob ng bansa.
Dalawampu’t isa sa mga naarestong illegal aliens ay pawang mga babae habang 84 naman sa mga ito ay pawang mga lalake.
Nasa 97 ang mga Chinese, habang 4 ang Indonesian, 3 ang Malaysian, 1 ang Vietnamese, at 1 Laotian.
Mananatili sa kostudiya ng BI holding facility sa Bicutan, Taguig City ang mga naarestong foreign nationals at nakatakdang ipadeport pabalik sa kanilang mga bansa.