MANILA, Philippines — Masaklap ang sinapit ng isang anim na buwang sanggol na babae matapos malunod sa isang timba ng tubig na may halong oxalic acid nang aksidenteng mahulog dito naganap sa isang palengke sa Brgy. 40, Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Bacolod City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Libertad Public Marker, sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang natutulog sa mesa ang sanggol katabi ang mga pagod nitong magulang nang gumapang ito kung saan aksidenteng nahulog sa timba na puno ng tubig na may halong oxalic acid na gamit ng mga vendor nitong magulang sa kanilang mga panindang gulay at prutas para magmukhang sariwa.
Nang maalimpungatan ang mag-asawa ay nakalubog na sa timba na una ang ulo ang sanggol na bagaman nagawa pang maisugod sa Corazon Montelibano Memorial Hospital ay nabigo namang maisalba ang buhay.
Abut-abot naman ang pagsisisi ng mag-asawa sa nangyari sa kanilang anak habang patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa naturang trahedya.