Tulfo Bros.,tinanggalan ng police escorts dahil sa pambu-bully

Sa kaniyang programa sa Radyo Pilipinas DZRB ay sinabi ni Erwin na sasampalin niya si Bautista, dating Commanding General ng Philippine Army at ingungudngod ang ulo nito sa inidoro dahilan hindi umano sumasagot sa kaniyang tawag sa telepono para mainterbyu.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Police Ge­neral Oscar Albayalde ang pambu-bully at kawalan ng good moral character ang  pa­ngunahing dahilan kung bakit tinanggalan ng security escorts ang Tulfo brothers at pamilya nito matapos namang masangkot si Erwin Tulfo sa maanghang na pagbanat laban kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Joselito Bautista.

“Depende rin kasi sa sinasabi mong level of good moral character, Eh papano mo bibigyan ng security ang isang tao at wala naman siyang gagawin kundi magsisigaw dyan mag-bully ng anybody not only members of the PNP or AFP or anybody for that matter eh mag-ganon siya and yet he is being protected by the police personnel”, pahayag ni Albayalde.

Sa kaniyang programa sa Radyo Pilipinas DZRB ay sinabi ni Erwin na sasampalin niya si Bautista, dating Commanding General ng Philippine Army at ingungudngod ang ulo nito sa inidoro dahilan hindi umano sumasagot sa kaniyang tawag sa telepono para mainterbyu.

“Actually may recall order yan, una ang pagpro-provide ng security is extended to a person. This is live giving license sa mga iba’t ibang gustong mag-possess ng firearms. This is all but privileges that are extended and these privileges can always be revoked pag may ganyan”, paliwanag ni Albayalde na sinabing walang personalan ang hakbang at bahagi lamang ng protocol sa mga binibigyang proteksyon ng mga otoridad.

Sa kasalukuyan, sumasailalim pa sa pagrerebisa ang pagtanggal ng security escorts ng Tulfo brothers kung ibabalik pa ito o tuluyang puputulin na kung saan tatagal ito ng dalawa hanggang tatlong lingo.

Show comments