^

Police Metro

2 holdaper tumba sa shootout

Christian Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki habang nakatakas naman ang isang kasamahan ng mga ito matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis makaraang holdapin ang isang karinderya at tangayin ang motorsiklo ng isa sa mga kustomer sa Brgy. Mamandil, Talavera, Nueva Ecija, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Talavera Police, kanilang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek habang patuloy ang pagtugis sa nakatakas na kasamahan.

Dakong alas-4;30 ng madaling araw nang holdapin ng mga suspek ang karinderyang pag-aari ni Evelyn Moraleda, 62-anyos at tinangay ang sling bag nito na may lamang ‘di pa batid na halaga ng pera.

Sa kanilang pagtakas ay ginamit ng mga suspek ang nakaparadang motorsiklo na Kawasaki Bajaj ng isang kostumer na si Juanito Santiago.

Agad namang ini-report sa pulisya ang pangyayari kung saan nang respondehan ng mga otoridad ay pinaputukan umano sila ng isa sa mga suspek habang ang isa pang suspek ay nakitang may hawak na hand grenade.

Noon din ay nagkaroon ng engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa habang nagawang makatakas ng isa pang suspek sakay ng isang motorsiklo.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with