Ginang natupok sa sunog
MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang ginang matapos matupok ang buong katawan nito nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Alice Simbulan, 46, na natagpuang tupok sa loob ng kanyang natupok na bahay sa may Brgy. 49, ng lungsod.
Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa isang residential area sa kanto ng 4th Avenue at Nadurata Street.
Nagtulung-tulong ang nasa 79 trak ng bumbero na patayin ang apoy na umakyat sa ikaapat na alarma dakong alas-4:57 ng hapon bago nagdeklara na “fire under control” alas-5:08 ng hapon at “fire out” dakong alas-5:42 ng hapon.
Sa isinagawang mopping operation ay nadiskubre ang bangkay ni Simbulan na naipit sa kanyang bahay at umabot sa 35 pamilya ang nawalan ng bahay.
- Latest