Supporters ng magkalabang kandidato sa Sulu, nagbarilan

MANILA, Philippines — Nasugatan ang limang katao makaraang magbarilan ang masusugid na mga supporters ng magkalabang kandidato sa labas ng polling precinct sa Panglima Estino, Sulu, kahapon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Asiri Sadjaani, 65; Ibno Sahipa, 64;  Barre Abih, 46; Omal Hasan, 57 at Nadzra Munib, 41.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng pulisya at tropa ng mga sundalo para payapain ang sitwasyon sa lugar at tumakas ang magkalabang puwersa nangmamataan ang papara­ting na security forces.

Sa ulat na tinanggap ng PNP National Election Monitoring Center (NEMAC), dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang barilan sa labas ng voting precinct sa Brgy. Tiptipon, Panglima Estino ng lalawigan.

Show comments