Comelec handa na sahonorarium ng mga guro

Ito ang tiniyak ni Commission on Elections (Co­melec) Project Management Office Deputy Project Director Teopisto Elnas, na i-release na ang pondo sa kanilang mga election officers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Sa halip na sa cash card tulad dati ay cash nang matatanggap ng mga guro ang kanilang allowance.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tatanggapin ng mga gurong magsisilbi sa May 13 midterm elections ang kanilang honorarium.

Ito ang tiniyak ni Commission on Elections (Co­melec) Project Management Office Deputy Project Director Teopisto Elnas, na i-release na ang pondo sa kanilang mga election officers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Sa halip na sa cash card tulad dati ay cash nang matatanggap ng mga guro ang kanilang allowance.

Nabatid na P6,000 ang tatanggapin ng chairperson ng electoral boards, P5,000 para sa miyembro ng electoral board, P4,000 para sa department of education super­visor official at P2,000 para sa support staff na ibibigay matapos ang eleksiyon.

Show comments