Bala na nakapatay sa 6-anyos sa Caloocan galing sa baril ng pulis

Ito ang inihayag ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Elea­zar na ang bala ay mula sa isinukong kalibre 45 baril na ginamit ni Delos Reyes matapos mapatay si Gean noong Abril 28 sa sinasabi nitong aksidente lang dahil may hinahabol itong lalaking wanted.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Lumabas sa pagsusu-ri ng PNP Crime Lab na ang bala na nakapatay sa 6-anyos na si Gean Habal ay mula kay Police Corporal Rocky delos Reyes.

Ito ang inihayag ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Elea­zar na ang bala ay mula sa isinukong kalibre 45 baril na ginamit ni Delos Reyes matapos mapatay si Gean noong Abril 28 sa sinasabi nitong aksidente lang dahil may hinahabol itong lalaking wanted.

Taliwas naman ito sa pahayag ng mga kamag-anak ni Gean na iginiit na walang engkuwentro sa lugar nang mangyari ang insidente kung saan maging ang ina ng bata ay binaril din ng nasabing parak sa paa nang tangkain itong harangin habang papatakas sa crime scene.

Aminado naman si Eleazar na hindi kapanipaniwala ang bersyon ng istorya ni Delos Reyes sa pangyayari sa pagkamatay ng musmos na biktima.

Show comments