Pulis na nakapatay ng bata sa Caloocan, kinasuhan ng murder

Ang suspek ay sinampahan rin ng mga kasong attempted murder, illegal possession of firearms at violation of the Omnibus Election Code ng Prosecutor’s Office sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nahaharap sa patung-patong na kaso si Police Corporal Rocky Delos Reyes na itinuturong nakabaril at nakapatay sa 6-anyos na si Gian Habal noong nakaraang Linggo sa Caloocan City.

Ang suspek ay sinampahan rin ng mga kasong attempted murder, illegal possession of firearms at violation of the Omnibus Election Code ng Prosecutor’s Office sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Sa loob ng prosecutor office ay positibong kinilala ng mga kaanak ng biktima at ng isang saksi na si Delos Reyes ang siyang bumaril sa bata.  

Sa paunang imbestigasyon rin ng Caloocan City Police, sinabi ni Police Colonel Restituto Arcanghel na tila hindi tatayo sa korte ang alibi ni Delos Reyes dahil sa walang nakakita sa lugar na may naganap na barilan habang siya lamang ang nakitang may hawak ng baril nang maganap ang insidente.

Nabatid na may record ang Caloocan City Police, na ang suspek ay nasampahan na rin noong nakaraang taon ng kasong “indiscriminate firing” sa isang birthday party.

Show comments