Ulo pinugot, lamanloob pinulutan… Matador dinedo ng kabarong na-‘Momo’

Ayon sa report, matapos buksan ang dibdib ni Aquino ay dinukot pa ang mga lamanloob nito na sinasabing pinulutan ni Kevin Changat, 25, dahil ubos na umano ang kanilang pulutan nang iwan sila ng isa pa nilang kainuman na si Larry Chugwawi, 35, dakong alas-11:00 ng gabi.
File

MANILA, Philippines — Nakapanghihilakbot ang kamatayang sinapit ng isang matador sa kamay ng kanyang kabaro na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng ‘Momo Challenge’ nang pugutan ng ulo at buksan pa ang dibdib saka ipinulutan ang lamanloob habang nag-iinuman sa loob ng slaughter house sa Sitio Pagturao, Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province, kamakalawa.

Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang ma-diskubre sa kalsada ang wala nang ulo at wasak ang dibdib ng biktimang si Wilfred Aquino, 31.

Ayon sa report, matapos buksan ang dibdib ni Aquino ay dinukot pa ang mga lamanloob nito na sinasabing pinulutan ni Kevin Changat, 25, dahil ubos na umano ang kanilang pulutan nang iwan sila ng isa pa nilang kainuman na si Larry Chugwawi, 35, dakong alas-11:00 ng gabi.

Agad namang naaresto ang tila sinapian ng ma­samang espiritu ang suspek sa isang follow-up operation ng mga pulis nang sundan ang mga patak ng dugo patungo sa pinagtataguan nitong barung-barong, dakong alas-9:00 ng umaga na puno ng dugo ang mga kamay at paa nang datnan ng mga otoridad.

Patuloy pa rin isinasagawa ng mga imbestigador ang pagsisiyasat sa suspek na hindi pa makausap nang matino matapos madakip.

Show comments