Malabon barangay kagawad itinumba

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay pasa­kay na sa kanyang motorsiklo ang biktima buhat sa pamamalengke ng pagkain sa palengke sa kahabaan ng Rodriguez St., ng nasabing barangay nang lapitan ng suspek at barilin sa batok.
File

MANILA, Philippines — Isang barangay kagawad ang binaril at napatay malapit sa palengke ng hindi pa kilalang mga suspek kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa batok ay kinilalang si Dante Sih, 53, kagawad ng Brgy. Panghulo sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay pasa­kay na sa kanyang motorsiklo ang biktima buhat sa pamamalengke ng pagkain sa palengke sa kahabaan ng Rodriguez St., ng nasabing barangay nang lapitan ng suspek at barilin sa batok.

Matapos ang pamamaril sa biktima ay nag-iwan ang suspek na inilarawan na nasa pagitan ng 40-45 ang edad nakasuot ng salamin ng isang liham mula sa isang “Armadong Rebolusyonaryong Manggagawa,” na kung saan ay inaakusahan ang biktima na isang ‘hoodlum” at nangongotong sa mga tindero na ginagamit ang kanyang posisyon.

Pinabulaanan naman ng pamangkin ang aku­sasyon sa biktima na nangongotong ito sa mga vendors dahil sa nanalo ito ng tatlong beses na magkakasunod na walang tarpolina na inilalagay sa mga kalsada kundi ang kabaitan nito ang tangi nitong puhunan kaya’t ito ay laging ibinoboto.

Show comments