MANILA, Philippines — Iba’t ibang armas ang nasamsam ng mga otoridad sa bahay ni Camotes Island, Francisco Mayor Aly Arquillano nang ito’y salakayin ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) sa bisa ng search warrant na inisyu ng Barili Regio-nal Trial Court-Branch 60.
Base sa report ng Cebu Provincial Police Office (PPO), bandang alas-6:00 ng umaga nang isagawa ang raid sa bahay ng alkalde sa nasabing isla kaugnay ng pagiingat ng mga armas at bala na walang lisensya.
Nakumpiska ang magazine para sa cal. 45 pistol, isang bala ng 9 MM cal. Pistol, isang cal 22 rifle, dalawang cellular phone, isang magazine ng cal. 45 pistol, isang cal 45 pistol na may limang bala, isang AR 15 rifle na may 12 bala at isang fragmentation grenade.
Pinagharap ng kasong kriminal si Mayor Arquillano habang patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms upang tiyakin na magiging mapayapa ang darating na halalan.