2 elementary pupils nalunod sa ilog
MANILA, Philippines — Dalawang elementary pupil ang aksidenteng nalunod habang naliligo sa Agno River sa bayan ng Alcala, Pangasinan, kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina Adrian Palomino, 15, Grade 9; at Alfred Pinlac, 14, Grade 6. Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-4:25 ng hapon nang magkatuwaan ang dalawang estudyante kasama ang tatlo pa nilang kaibigang mag-aaral na maligo, subalit habang naglalangoy ay napagawi sa malalim na bahagi sina Palomino at Pinlac na tinangay ng malakas na agos. Narekober ng search and rescue team ang katawan ni Palomino dakong alas-5:10 ng hapon habang bandang alas-6:00 ng gabi si Pinlac.
- Latest