Estero de Magdalena, muling nilinis ng PRRC

MANILA, Philippines — Muling pinangunahan kahapon ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang malawakang paglilinis at clearing operations sa Estero de Magdalena, dahil sa walang pakundangang pagtatapon ng basura ng mga residente sa mga barangay na dinadaluyan ng nasabing estero.

Magugunita na kamakailan lang ay nakatuon ang atensiyon ng PRRC sa paglilinis ng Estero de Magdalena gayundin ang relokasyon, clean-up operations at public information campaigns sanhi ng nakaaalarmang dami ng basurang bumabara sa estero.

Mula Nobyembre 2015 hanggang Hulyo 3 2018, naihatag ng PRRC sa 1,049 informal settler families (ISFs) mula sa target na 2,015 sa iba’t ibang relocation sites sa Bulacan at Cavite upang masimulan na ang konstruksiyon ng P17-milyong Estero de Magdalena linear park development.

Ngunit hindi pa rin ito pinangalagaan ng mga pamilyang nakatira malapit sa estero dahil sa ulat na may nagsipagtayuang kabahayan muli sa Estero de Magdalena kaya nagbabala na si PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia sa mga barangay officials at local government units.

Nakipag-ugnayan na rin ang PRRC sa iba’t ibang ahensiya upang magsagawa ng joint inter-agency massive clean-up drives para mapaunlad ang kalidad ng ilog habang dumadaan sa rehabilitasyon ang tabing ilog nito.

Show comments