Imee Marcos hiniling sa gobyerno na bilisan ang konstruksyon ng Kaliwa at Laiban Dam
MANILA, Philippines — Nanawagan sa pamahalaan si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na bilisan ang konstruksiyon ng water flagship projects kabilang ang Kaliwa at Laiban dams at panagutin din ang MWSS at dalawang concessionaires sa nangyaring water shortage sa Metro Manila at kalapit na lalawigan noong isang linggo.
“Mataas ang presyo ng tubig, pero maayos ba ang serbisyo? Kung hindi nila kaya, malamang may ibang magsisikap na mag serbisyo sa publiko ng tama.
Alalahanin dapat nila ang serbisyo, hindi lang puro kita,” wika ni Marcos na tumatakbong senador ngayong 2019 midterm elections.
Ayon pa kay Marcos na hindi sapat ang ibinibigay na serbisyo ng dalawang concessionaires na dapat ay mas maraming concessionaires ang papasukin at patatagin ang pamamahala ng gobyerno sa water resource management nang pagsusuplay at pagdedeliber sa nakararaming tao.
Pinunto rin ni Marcos na ang Kaliwa at Laiban dam projects ay sinimulan ng panahon ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos na hindi naman itinuloy ng mga nakalipas na administrasyon.
“Ang tubig ay buhay-napakaraming mamamatay at magkakasakit pagmawala yan. Makakatiis ng mas matagal ang mga tao sa walang kuryente, pero kung walang tubig – sobrang pahirap yan sa kanila. Sa mga hospital na lang, at mga densely populated areas, maraming buhay ang malalagay sa panganib. Maraming tao ang ‘di kayang bumili ng mineral water para inumin o ipampaligo!,” wika ni Marcos.
- Latest