Bulkan Mayon pumutok ng anim na beses

MANILA, Philippines — Pumutok ng anim na beses o phreatic explosion ang Bulkan Mayon noong Miyerkules na ikinatakot ng mga residente sa lugar. Unang naitala ang pagputok dakong alas-9:06 ng umaga, sinundan ng alas-9:39 ng gabi, sunod alas-9:46, alas-10:00 at alas-10:59 ng gabi na may taas na 200-metro ang ibinugang kulay grey na abo, 500-metro ang pangalawa, 200-metro ang pangatlo, 500-metro, 700-metro at 300-metro ang taas ng pang anim kung saan bumagsak ang abo sa loob ng 6-kilometer area ng Mayon sa bahagi ng bayan ng Camalig. Nabatid na noong umaga ng Martes ay tatlong beses na magkakasunod na nagkaroon ng phreatic explosion.

 

Ayon kay Paul Alanis, senior science research specialist ng PHIVOLCS na natural nang magkaroon ng magkakasunod na phreatic explosion dahil patuloy na nasa ilalim ng alert level 2 ang bulkan.

Show comments