MANILA, Philippines — Nasabat ng mga airport personnel ang nasa 1,500 pagong na nakalagay sa apat na bagahe sa Ninoy International Airport kahapon.
Sa ulat, dumating ang checked-in luggage na lulan ng isang Philippine Airlines flight mula sa Hong Kong na kung saan ay inabandona ng hindi nakilalang pasahero.
Kaya’t napilitan ang mga airport personnel na buksan ang mga bagahe at tumambad sa kanila ang sari-saring mga pagong na aabot sa 1,532 piraso.
Sinisilip sa CCTV ang pasahero na nag-iwan ng apat na bagahe na may lamang mga pagong na nakatakdang ipasa sa animal quarantine authorities.
Anya, hindi na bago ang pagkakatagpo ng iba’t ibang uri ng hayop sa NAIA na karamihan ay mga endangered at exotic na mga hayop tulad noong Pebrero 22 ay nasa 56 endangered species ng iguana at “bearded dragons” ang nasabat sa paliparan na itinago sa bagahe ng isang pasahero na galing naman sa Thailand.