14 nasugatan sa bumigay na building elevator sa Makati

MANILA, Philippines — Labing-apat na katao ang nasugatan matapos na masira ang sinasakyan nilang elevator sa isang gusali sa Makati City, kahapon ng umaga.

 

Ayon kay Makati City Police chief Senior Superintendent Rogelio Simon, dakong alas-10:15 ng gabi nang mangyari ang insidente sa PBCOM Tower, na matatagpuan sa  #6795 Ayala Avenue, Brgy. Bel-Air,  ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na sumakay ang 28 pasahero sa elevator ng naturang gusali  at  dahil overloaded ay nag-malfunctioned ito kaya’t  mula sa ika-52 palapag biglang bumilis ang takbo nito pababa.

Naging sanhi upang masugatan ang 14 na pasahero na nagtamo lang ng minor injuries.

“Hindi naman po yung seryosong sugat. Yung iba nahilo, yung iba nagkauntugan, yung iba sumuka,” wika ni Simon.

Show comments