Guro na humalay sa kanyang estudyante, pinasisibak

MANILA, Philippines — Hiniling ng negosyanteng si Don Bagatsing sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) na sibakin ang guro na si Wesley Cleofas  na umano’y “nang-rape” ng kanyang 16-anyos na estudyente sa Tondo High School, kamakailan.

Anya,wala ng karapatang magturo si Cleofas ng Tondo  National High School matapos umano nitong halayin ang dalagita nitong estudyante na itinago sa pangalang Lorna na nagtungo sa kanyang tanggapan para magpasaklolo.

Sinabi ni Bagatsing, kung siya lamang ang masusunod ay lalagyan niya ng granada sa puwet at pasabugin ang suspek na guro para hindi na pamarisan o makapambiktima pa ng mga ­inosenteng mag-aaral.

“Nanggigigil ako sa mga manyakis na guro kaya nananawagan ako sa DepEd na sibakin na sa trabaho ang suspek na ito”, pahayag pa ni Bagatsing.  

Nangako naman si Sonny Valenzuela, Principal ng Tondo High School na nagsasagawa na siya ng masusing imbestigasyon at nagpahayag na handa siyang tumulong para mabigyan ng hustisya ang biktima.

Show comments