Mag-ama tupok sa sunog

MANILA, Philippines — Halos uling na nang matagpuan ang bangkay ng isang mag-ama matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Brgy. Gulayon, Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Boy Velasco, engineer, at anak nitong 11-anyos na si Kishia Velasco.

Himala naman nakaligtas ang live-in-partner nitong si Lani Velaso, na agad nakalabas ng bahay matapos magising sa makapal na usok.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang sunog dakong alas-12:45 ng madaling araw habang nasa kasarapan ng tulog ng mga biktima.

Sa sobrang taranta ni Lani ay agad itong lu­mabas ng bahay at hindi umano nagawang gisi­ngin ang mag-ama hanggang mabalot ng usok at apoy ang kabahayan.

Ilang oras ang nakalipas bago tuluyang naapula ang apoy ng mga bumbero kung saan narekober ang tupok at halos nagmistulang uling na bangkay  ng mag-ama.

Hinihinalang faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Show comments