MANILA, Philippines — Nasa P4.2 bilyong halaga ang iniwang pinsala sa apat na rehiyon nang pananalasa ng bagyong Usman.
Batay sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Edgar Posadas, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon na pinatindi pa ng Low Pressure Area (LPA) partikular na sa Bicol Region, Eastern Visayas, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).
Ang pinakamalaking pinsala ang tinamo sa sektor ng imprastraktura na pumalo na sa P 3.3 bilyon habang aabot naman sa halos sa P 9.48 milyon ang pinsala sa agrikultura.
Bukod dito ay nag-iwan din ang bagyong Usman ng 126 na patay, 20 ang nawawala habang nasa 72 naman ang nasugatan kung saan pinakamarami sa Bicol Region na nasa 109 katao.