Lalaki, kulong sa isang lata ng luncheon meat

MANILA, Philippines — Dinakip ang isang lalaki matapos na mang-umit ng isang lata ng luncheon meat mula sa isang kilalang convenience store sa Brgy. Pleasant Hills, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Junard Dula, 21, jobless, residente ng naturang lugar na kinasuhan ng shoplifting.

Sa ulat, dakong alas-8:50 ng gabi nang pasukin ng suspek ang isang kilalang convenience store na matatagpuan sa 1353 Mandala Park, Brgy. Pleasant Hills.

Nagpanggap na kostumer, saka palihim na kumuha ng isang lata ng luncheon meat na nagkakahalaga ng P199 at itinago ito sa kanyang shorts. Inaakala na walang nakakita ay dali dali itong lumabas na hindi nagbabayad sa cashier.

Nakita ng store clerk sa CCTV ang ginawa kaya’t kaagad itong humingi ng tulong sa kanilang security guard na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Show comments