MANILA, Philippines — Ngayong ipinagdiriwang ng isa sa nangungunang pahayagang tagalog sa bansa na Pang Masa (PM) ang ika-15 taong anibersaryo ay nais naman ng may-akda na makatulong sa 15-milyong Pilipino na may taglay na sakit na diabetes.
Ang sakit na diabetes ay nakukuha sa pag-inom ng matatamis na inumin, tulad ng iba’t-bang brand ng soda at matatamis na pagkain. Kaya naman ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) ay kumilos na para ipagbawal ang pagbebenta ng softdrinks sa mga paaralan na siyang madalas bilhin ng mga estudyante.
Sa kautusan ng DepEd, sa halip na softdrinks ang ibenta sa mga canteen sa iba’t ibang eskuwelahan ay ‘fresh juices’ na lamang tulad ng buko, soya milk at iba pang gatas o kaya’y mineral water.
Hindi biro kasi ang magkaroon ng sakit na diabetes, bukod sa pagkakaroon ng iba’t ibang komplikasyon ng karamdaman sa katawan ay malaking pera rin ang gagastusin kapag naisugod sa pagamutan.
Sa pananaliksik ng may-akda ay isang ‘miracle plant’ mula sa bansang India ang kanyang nasumpungan at ito ay tinawag na “Insulin Plant’ na may scientific name na Costus Igneus.
Ang halamang Insulin ay isang medicinal plant na may medicinal properties na kung tawagin sa bansang India ay “Magic Cure for Daibetes.
Napatunayan sa maraming pag-aaral na kaya nitong magbigay ng lunas sa sakit ng mga taong may type-2 diabetes na nagtuturok na ng ‘Insulin’ sa kanilang katawan para lamang bumaba ang kanilang ‘blood sugar’.
“The leaf of the plant helps in producing insulin and control the blood sugar levels of our body, thereby treating Diabetes. It is now accepted and used widely as an Ayurvedic medicinal herb” ayon sa pag-aaral ng Medicine of India.
Ang ‘characterized’ ng Insulin plant ay smooth dark green leaves na may purple shade. Ang kanyang dahon ay ‘spirally arranged’ sa palibot ng kanyang stem, forming attractive, arching clumps arising from undergound rootstock.
Ang maximum na taas ng Insulin Plant ay hanggang dalawang talampakan at namumulaklak ng kulay yellow-orange na maganda at 1.5 ang diameter. Ang kanyang pamumulaklak ay tuwing malamig ang panahon at parang cone sa dulo o tip ng kanyang stem. Ang petals ng bulaklak nito ay matamis at masustansiya.
Madaling paramihin ang Insulin plant, sa pamamagitan ng paglilipat tanim ng mga usbong nito at cuttings ng kanyang matandang tangkay.
Hindi lapitin ng mga insekto kaya walang magiging problema sa mga nagpaparami nito at nabubuhay siya sa ‘slightly shady area’.
Sa mga taong may taglay na sakit na diabetes ay pinapayuhan na kumain ng dalawang dahon nito, limang minuto bago kumain ng almusal, tanghalian at hapunan sa loob ng isang buwan.
Kapag nag-normalized na ang blood sugar ng isang pasyente ay isang dahon na lamang bago kumain bilang maintenance ng isang may karamdaman.
Maganda rin kumain ng dahon nito ng mga taong may mataas ng Blood Pressure (BP).
Ilang doctor sa India ay nirerekomenda na rin nila ang Insulin plant bilang tradisyunal medicine to promotes longevity, treats rash, reduce fever, treats asthma, bronchitis at eliminates intestinal worms.
Marami na ring gumagamit ng Insulin plant sa mga Pinoy mula ng ito ay maipakilala sa bansa, matapos ma-feature ng isang kilalang Radio and TV personality sa kanyang programa.
Marami na rin ang nagbigay ng testimonya tungkol sa ‘effectiveness’ ng Insulin plant na gumaling sa kanilang sakit na diabetes.
Ang may-akda nito ay isa sa nagpaparami ng Insulin plant sa bansa at sa mga gustong matuto sa pagtatanim nito ay i-txt ninyo sa 09178675197.