Si Tanong Tanod at ang PM

PM?! Iyan ang tanong ko sa sarili ko nang sabihan akong magkontribyut ng comic strip para sa bagong tabloid ng Star Group labinglimang taon na ang nakararaan.

 

Ang PM pala’y inisyal ng Pang Masa, isang pang­hapong tabloid.

Kaya ayus na ayos ang mga inisyal na PM. Post Meridiem, hello? Pero kaya ba ng PM na lumaban sa isang merkado ng mga tabloid na umaapaw na sa rami?

Isa pa’y ang imahe ng PM na disenteng diyaryo na walang lamang mga kabastusan o kalaswaan na siyang atraksyon ng mga nangungunang tabloid nang panahong iyon.

Wala rin itong sensationalism na mga balitang lu­malabas dito.

Sa kabila ng mga agam-agam na ito’y binuhay ko ang cartoon character na si Tanong Tanod.

Sa iba’t ibang lugar na natirhan ko sa Kamaynilaan ay mga barangay tanod na natutuwa akong obserbahan.

Oo, marami sa kanila’y walang pirmihang trabaho kaya’t maraming oras para maging barangay tanod.

Oo, marami sa kanila’y magaspang at mahilig sa inuman kaya madalas ­silang kutyain ng mga ba­rangay toma. 

Oo, marami sa kanila’y hindi alam ang pagpapatupad o ang pinapatupad na batas.

Pero meron pa rin sa kanila’y tapat sa tungkulin at totoong gustong magsilbi sa kanilang barangay sa kabit nang maliit na allowance.

Ganito si Tanong, isang tanod sa isang mahirap na barangay sa Kamaynilaan.

Kasama niya sa naturang lugar ang tiwaling punong-kagawad na si Tserman, ang kaibigang may autism na si Luke, si Jack manyak

Show comments