Ex-boldstar inaresto sa cyber libel

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga ­operatiba ng Laguna Police ang dating bold star na si Keanna Reeves dahil sa reklamong cyber libel kahapon sa Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali nang arestuhin si Reeves (Janet Derecho Duterte sa tunay na buhay) ng mga otoridad sa  kahabaan ng #81 Timog Avenue kanto ng Scout Ybardoloza ng lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria ­Florencia Baculo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 34, Calamba City, Laguna nitong Nobyembre 7, 2018 at may inilagak na piyansang P 20,000.00.

Si Reeves ay sinampahan ng kasong cyber libel ng negosyanteng si Nancy Dimaranan dahilan umano sa paninira at ­pang-aalipusta  nito sa kanya sa social media partikular na sa facebook.

Desidido si Dimaranan na ipursige ang kaso laban kay Reeves na nakilala niya noong 2013 matapos itong mag-perform sa Komikera Bar sa Calamba City, Laguna.

Si Reeves ay naging big winner sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2006.

Show comments