‘Bigtime rollback’ ipapatupad sa petrolyo

Nagtapyas kahapon ng P.2 kada litro sa gasolina, P.90 kada litro sa diesel at P.95 kada litro sa kerosene ang mga kumpanyang Unioil, Jetti, Seaoil.

MANILA, Philippines — Ngayong darating na linggo ay mas maraming kumpanya ng langis sa bansa ang magpapatupad ng “bigtime rollback” sa presyo ng kanilang petrolyo.

Nagtapyas kahapon ng P.2 kada litro sa gasolina, P.90 kada litro sa diesel at P.95 kada litro sa kerosene ang mga kumpanyang Unioil, Jetti, Seaoil.

Ngayong umaga ay magpapatupad naman ng rolbak ang kumpanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, at PTT Philippines ng P1.85 kada litro sa gasolina, at P.90 sa diesel.

Magugunita na noong Sabado ay nagbaba na sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga independent playes na Phoenix Petroleum, Petro Gazz at CleanFuel.

Ang rolbak ay dahil sa pagbaba sa presyo ng petrolyo sa international market mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 19.

Show comments