BuCor opisyal itinumba

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa panulukan ng Arellano at Cagiao Sts., Katarungan Village 1, Brgy. Poblacion ng nasabing siyudad ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at habang binabagtas ang nasabing lugar ay biglang sumulpot at hinarang siya ng isang sasakyan na walang plaka.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng mga suspek ang isang opisyal ng Bureau of Correction (BuCor) sa naganap na ambush kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Inspector Nimencio San Gabriel, 55, nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP)  at naninirahan sa  #151 Sitio San Antonio, Brgy. Poblacion ng siyudad.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa panulukan ng Arellano at  Cagiao Sts., Katarungan Village 1, Brgy.  Poblacion ng nasabing siyudad ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at habang binabagtas ang nasabing lugar ay biglang sumulpot at hinarang siya ng isang sasakyan  na walang plaka.

Agad na pinagbabaril ang biktima at nang masigurong patay na ito ay mabilis na tumakas ang mga ito.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho nito sa Bilibid o droga ang naganap na pamamaril.

Show comments