MANILA, Philippines — Dahil natapos na umano ang kontrata noong Disyembre 2017 ay pinapalayas na ng National Parks and Development Committe (NPDC) ang National Historical Institute (NHI) sa compound ng Luneta.
Sa pahayag ni Malou Reyes Chief of Staff ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte na masyadong nang mahaba ang palugit na ibinigay nila sa NHI ay ayaw umalis sa Luneta ang kanilang mga opisyales.
Ayon kay Reyes, kung mayroon umanong delikadeza ang mga opisyal ng NHI dapat huwag na nilang antayin pang mismo ang NPDC ang kakaladkad sa kanila para lamang umalis sila sa kanilang puwesto.
Sa kabila umano ng ‘notice to vacate’ na ipinapadala ng NPDC sa NHI ay hindi ito sinusunod sa halip ay binabalewala lamang.
Ang gusali ng NHI na may limang palapag na makikita sa loob ng compound ng Luneta sa TM Kalaw katabi ng National Library na lupang pag-aari ng NPDC.