Trece Martires Mayor utak sa pagpatay sa kanyang Bise
MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong murder at frustrated murder sa Department of Justice (DOJ) si Trece Martires City Mayor Melandres de Sagun kaugnay sa pagpatay sa kanyang Vice Mayor na si Alexander Lubigan.
Kasama rin sa respondents sa kasong isinampa ng Philippine National Police (PNP) sina Maragondon Cavite Councilor Lawrence Arca, Luis Vasquez Abad Jr., Ariel Fletchetro Paiton, Rhonel Bersamina at ilan pang John at Jane Does.
Kasama sa naghain ng reklamo si Gemma Lubigan, asawa ng pinaslang na vice mayor, Calabarzon Police Regional Director Edward Carranza at Cavite Police Chief William Segun nang magpunta sa DOJ.
Matatandaan na si Lubigan ay tinambangan noong Hulyo 7 kung saan napatay din ang kanyang driver na si Romulo Guillemer.
Anggulong pulitika ang sinisilip na motibo sa pagpaslang dahil sa balak umanong tumakbong mayor si Lubigan sa susunod na taon.
- Latest