Magkapatid na dalagita hinalay ng tiyo

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang isang 48-anyos na mister matapos umanong gahasain nito ang kanyang dalawang pamangkin na dalagita sa Pasay City.

Ang suspek ay kinilalang si Edwin Estudillo, jobless, residente ng Humildad St., Brgy, 14, Zone 1 ng lungsod.

Itinago ang magkapatid sa pangalan na Aby, 14, grade 9 at Almira, 12, grade 7.

Sa imbestigasyon ng pulisya na nadiskubre lang ang panghahalay nang malaman nilang buntis ang biktimang si Aby, matapos itong makunan.

Kaya kinompronta ng ina si Aby bakit siya nabuntis at dito ay ipinagtapat na siya ay ginagahasa ng tiyuhin maging ang kapatid sa iba’t ibang pagkakataon kapag sila lang ang naiiwan sa bahay.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naaresto ang suspek noong Lunes ng umaga.

Lalong tumibay ang ebidensiya nang panghahalay matapos na makumpiska ang isang video cam na naglalaman nang panghahalay ng suspek sa isang pamangkin.

Show comments