Drug ops sa Cebu: 6 patay

Batay sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang magsagawa ng serye ng anti-drug operations ang mga pulis sa mga lungsod Mandaue, Talisay, Lapu-Lapu at maging sa bayan ng Carmen ng lalawigan.
Freeman/Facebook

MANILA, Philippines — Patay ang 6 pinaghihinalaang drug pusher sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa Cebu kahapon ng madaling araw.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Rodel Econas ng Brgy. Lagtang; Zebar Canciancio ng Brgy. Lawaan 2; Rene Fernandez, ng Brgy.Tangke; pawang sa Talisay City; Joseph Taoy ng Brgy. Poblacion, Carmen; Carl Niño Macachor; at Ranchie Castañeda ng Brgy. Guizo; pawang sa Mandaue City.

Batay sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang magsagawa ng serye ng anti-drug operations ang mga pulis sa mga lungsod Mandaue, Talisay, Lapu-Lapu at maging sa bayan ng Carmen ng lalawigan.

Ang drug operations ay batay sa 22 search warrants at 30 warrant of arrest laban sa mga target na drug personalities, habang 18 buy-bust operations ang isinagawa sa Metro Cebu.

Subalit, nanlaban umano ang mga suspek sa arresting team bunsod upang magkaroon ng shootout na ikinasawi ng mga target na drug personalities.

Nasa 74 mga drug personalities ang nasakote habang nasa 721 namang shabu na nagkakahalaga ng P8.2 M ang nakum­piska sa operasyon.

Show comments