Plebisito isabay sa 2019 elections

“Just to be practical, ang iniisip kong timeline, isabay na natin yung plebisito to approve the federal constitution sa naka-schedule nang electoral exercise sa Mayo 2019,” wika ni Sen. Koko Pimentel.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Praktikal na isabay sa 2019 elections ang plebisito para tanungin ang taumbayan sa inaprubahang get draft federal charter.

“Just to be practical, ang iniisip kong timeline, isabay na natin yung plebisito to approve the federal constitution sa naka-schedule nang electoral exercise sa Mayo 2019,” wika ni Sen. Koko Pimentel.

“Kunwari, mabilis ang kilos ng Office of the President sa pagpasa sa Congress, mabilis ang kilos ng Congress, by October or November me­ron nang draft na handa na, mahirap na hintayin hanggang Mayo,” dagdag pa ni Pimentel.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay ina­prubahan ng Constitutional Committee ang draft federal government at nakatakdang isumite na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Pwedeng maging two months, three months, magka-plebisito na. Basta yung pinaka-practical sa akin na isabay na lang sa May 2019 elections,” giit pa ni Pimentel.

Show comments