^

Police Metro

6 pulis patay, 9 sugatan sa army

Joy Cantos - Pang-masa
6 pulis patay, 9 sugatan sa army
Sa report ni Chief Supt. Mariel Magaway, Director ng Police Regional Office (PRO) 8, dakong alas – 9:27 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 805th Regional Mobile Force (RMF) at Army’s 87th Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa lugar.
File

Misencounter...

MANILA, Philippines — Nasawi ang 6 pulis habang 9 ang nasu­gatan sa naganap na misencounter sa pagitan ng militar sa liblib na lugar sa Brgy. Sta Rosa, Villareal, Samar kahapon ng umaga.

Sa report ni Chief Supt. Mariel Magaway, Director ng Police Regional Office (PRO) 8, dakong alas – 9:27 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 805th Regional Mobile Force (RMF) at Army’s 87th Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa lugar.

Gayunman, nagkaroon ng miskomunikasyon  kaya’t mismong ang tropa ng militar at mga pulis ang nagkabakbakan

Sa panig naman ni Ar­my’s 8th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Raul Farnacio, limang araw nang nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng militar laban sa tinatayang  mahigit 20 NPA rebels habang ang mga pulis ay tatlong araw na ring nag­sasagawa ng operasyon sa lugar na sumunod sa tropa ng militar.

Sa nasabing misen­counter ay anim na pulis ang nasawi at siyam naman ang nasugatan sa mga ito.

Gayunman, hindi muna  tinukoy ng mga opisyal ang pagkakakilanlan sa mga nasawi at nasugatang pulis dahilan upang kailangan pa ang itong impormahan ang kanilang mga pamilya .

Samantalang bunga nito ay bumuo na ng Spe­cial Investigating Task Group upang imbestigahan ang insidente.

MILITAR

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with