MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 45-anyos na welder nang magulungan ng sumusunod trak ang kanyang ulo matapos dumausdos ang sinasakyang motorsiklo sa Ugac Highway, Tuguegarao City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. George Cablarda, hepe ng PNP Tuguegarao City; ang nasawi na si Severino Badua ng Aparri. Habang sumuko ang drayber ng trak na si George Talosig, 45.
Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay angkas sa motorsiklo ang biktima na minamaneho ni Cristopher Durwin, 22 nang dumausdos ito sa kalsada at kasunod ang paparating na trak na kung saan ay nagulungan ang ulo ng biktima na sanhi ng agad niyang kamatayan.