Konsehal timbog sa P340K shabu

Kinilala ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin ang suspek na si Municipal councilor Abedin Disalongan na nasamsaman ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang M-16 rifle, 2 9mm pistol at calibre .22 pistol.
File

MANILA, Philippines — Isang municipal councilor ng bayan ng Balabagan, Lanao del Sur ang dinakip ng mga otoridad matapos masamsaman ng mga shabu at armas nang salakayin ang bahay nito kahapon ng madaling araw sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Kinilala ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin ang suspek na si Municipal councilor Abedin Disalongan na nasamsaman ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang M-16 rifle, 2 9mm pistol at calibre .22 pistol.

Sa ulat, nagsagawa ng search warrant ang mga otoridad sa bahay ni Di­salongan dahil sa ito ay pinaghihinalaang protektor at financier ng mga drug syndicate sa lugar at kinokonsidera nilang high value target na isang taon nang isinailailim sa surveillance.Nakakulong na ang konsehal na kinasuhan ng kasong kriminal.

Show comments