MANILA, Philippines — Nakatakdang bumili ang Pilipinas ng mga helicopter sa South Korea.
Ito ang ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos tanggihan ang Canada dahil sa pagtatakda nito ng kondisyon sa Pilipinas bago makabili ito ng helicopters noong Pebrero.
“Sabi nila mag-deliver kami ng Bell helicopters pero you cannot use it against your own citizens. So anong gamitan ko niyan? Para evacuation, mga wounded, air-ambulance... Sabi ko look, and Canada is listening, my citizens are joining the New People’s Army and they are fighting the government and killing my soldiers and my policemen. It is a dirty war and people are dying. ‘Yung iba naman ang mga kapatid kong Moro lumipat doon sa terorista,” wika pa ni Pangulong Duterte.
Aniya, dahil sa pagpataw ng mga kondisyon ng Canada sa pagbili sana natin ng choppers ay ibinasura na lamang ng Pilipinas ang $233 milyong deal.
“How stupid are you? Bakit mo sabihin na I cannot use it against my own citizens when there are citizens in my country trying to overthrow my government. Dito na lang siguro ako maghanap sa Korea,” giit pa ng Pangulo.
Bukod sa helicopters, nakabili na din ang Pilipinas ng bagong 5-A-50 fighter jets mula sa Korea, ayon naman kay Philippine Ambassador Raul Hernandez.