2 PBA player, 1 pa sugatan sa saksak
MANILA, Philippines — Alaska rookie Jeron Teng at dalawa nitong naging teammates sa De La Salle University ang nasugatan nang sila ay pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan sa labas ng isang bar kahapon ng madaling araw sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Bukod kay Teng, nasugatan din si Norberto Torres, 28, naglalaro sa Rain or Shine at Thomas Torres, 23, ng Makati City at Thomas Torres, na nakatakdang maglaro para sa Mandaluyong MPBL.
Agad namang nadakip ang mga suspek na sina Edmar Manalo, 40, isang Filipino-American, residente ng Arizona Avenue, Milipitas, California, USA; Joseph Varona, 33, ng Monte de Piada, Parañaque City at si Willard Basili, 38, ng Country Homes, Putatan, Muntinlupa City.
Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa may Bonifacio Global City ay naglalakad ang tatlong basketball player sa labas ng Early Night Club sa Fort Strip nang harangin at kantiyawan ng mga suspek.
Nagkaroon ng kumprontasyon hanggang sa mauwi sa rambol at isa sa suspek ay naglabas ng patalim at sinaksak ang mga biktima.
Agad namang rumesponde ang mga security personnel ng BGC at dinakip ang mga suspek habang mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima na nasa maayos nang kalagayan.
- Latest