Pulis-QC inaresto sa pamamasada ng colorum

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis-QC ang inaresto ng mga elemento ng Land Transportation Office-National Capital Region at Quezon City Police habang namamasada ng colorum na van kahapon sa Quezon City.

Kinilala ni Atty.Clarence Guinto, Director ng LTO-NCR ang pulis na si PO2 Gregorio Hernandez Bangsil III na naka-assign sa District Headquarters Support Unit, QCPD, NCRPO.

Hinuli si PO2 Bangsil habang minamaneho ang kanyang Black Toyota Grandia Van na may conduction sticker YX-3743 na isang colorum. Ang van ay kasalukuyang naka-impound sa QCPD headquarters sa Kamp Karingal QC.

“Utos ito ni President Rodrigo Duterte, alisin ang mga colorum operations sa kalsada kaya kahit sino pa ang mahuli natin aarestuhin natin ang mga driver operator ng colorum,” sabi ni Guinto na dating police general bago naitalaga sa LTO.

Show comments