^

Police Metro

2 kongresista, mayor nalaglag sa burak

Joy Cantos, Butch Quejada at Gemma Garcia - Pang-masa
2 kongresista, mayor nalaglag sa burak
Laglag sa maburak na dagat sina Reps. Alfredo Benitez at Celso Lobregat, Zamboanga Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar at kanilang staff at security matapos bumigay ang tulay na kanilang inaapakan sa Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City.
Roel Pareño

Tulay bumigay...

MANILA, Philippines — Nagmistulang katawatawa ang nangyari sa dalawang kongresista, isang mayor at kanilang mga staff matapos na sila ay malaglag sa maputik at maduming dagat nang bumigay ang tulay na kahoy na kanilang tinutungtungan sa Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City.

Ang mga nahulog ay sina Housing and Urban Development Committee chairman Rep. Albee Benitez, Zamboanga Rep. Celso  Lobregat, Zamboanga City Mayor Beng Climaco-Salazar at ang kanilang mga staff at security.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-10:00 ng umaga ay magsasagawa sana nang pagsusuri ang mga opisyales sa housing projects para sa mga Badjao sa nasabing lugar upang patunayan ang reklamo na substandard ang iginawad sa kanilang bahay ng National Housing Authority (NHA).

Habang naglalakad sa tulay na kahoy ay bigla na lamang itong bumigay dahilan para lahat sila ay malaglag sa maburak na dagat.

ALBEE BENITEZ

CELSO LOBREGAT

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with