MANILA, Philippines – Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa loob ng 30 araw ang inventory ng mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng ‘555’ at ‘endo’.
“Pres. Duterte orders DOLE to submit inventory of companies engaged in labor-only contracting. We reiterate that labor-only contracting is already prohibited by the labor code.There will be crackdown on labor-only employement by companies,” wika pa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing.
“Sisiguraduhin ng Presidente na matitigil ang ‘555.’ Huwag n’yong subukan ang presidente.Dahil yan ang pinangako ng Pangulo noong kandidato pa lamang ito na ipatitigil niya ang tinaguriang 555,” dagdag pa ni Roque.
Aniya, puwedeng sabihin na Tokhang kontra Cabo (555) ang magiging kampanya ng gobyerno sa mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng 555 o endo.
Ipinaliwanag pa ni Roque na ang sinasabing ‘555’ ay ang pamamaraan ng mga kumpanya na ang kanilang kinuhang empleyado ay hanggang 5 buwan lamang papayagan nilang magtrabaho upang makaiwas na gawing regular ito sa sandaling umabot sa 6 na buwan.
Idinagdag pa ni Roque, iisa-isahin ng gobyerno ang mga kumpanya upang malaman kung patuloy pa rin ito sa pagpapatupad ng ‘endo’ (555) sa kanilang mga empleyado.