MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang last termer na barangay chairman nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Julugan 6, Tanza, Cavite.
Ang nasawi ay kinilalang si Brgy. Julugan 6 Chairman Leonilo Arbonido, 56, may-asawa.
Sa ulat, nasa loob ng kanyang sari-sari store ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek na nagpanggap na kustomer.
Paglapit ng biktima ay agad na siya ay pagbabarilin ng dalawang suspek na mabilis na tumakas nang tumumba ang una.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ang pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa barangay election na magaganap sa Mayo 14.