Bading, ginahasa ng amain
MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang 21-anyos na bading na guro laban sa kanyang amain na gumahasa sa kanya sa loob ng banyo sa Teachers Camp nitong Miyerkules.
Ang biktima ay itinago sa pangalang David, isang guro at residente ng nasabing lungsod.
Naaresto agad ang suspek ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya na kinilalang si Randy Clemente, 36, may-asawa, jobless at residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa biktima bago nangyari ang pangmomolestiya sa kaniya ng kaniyang amain dakong alas- 3:00 ng madaling araw ay lasing siya noon at nang magtungo sa banyo ay sinundan siya ng tiyuhin at hinalay.
Nagpumiglas naman ang biktima na nakatakbo sa kaniyang kuwarto pero sinundan pa rin siya ng suspek saka itinulak sa kama at dito muling ginahasa.
Matapos na makawala ang biktima sa hayok na amain ay agad nagsumbong sa kaniyang ina at sinamahan sa Baguio General Hospital para magpagamot.
- Latest