MANILA, Philippines — Walong katao kabilang ang apat na Chinese national na chemist ang naaresto ng mga tauhan ng PDEA nang salakayin ang isang tagong shabu laboratory sa loob ng isang farm sa Ibaan, Batangas, kahapon ng umaga.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Tiang Baoquan;Gui Zixing; Hong Dy; at Xie Jiansheng, pawang mga chemist at Chinese national; mga Pinoy na sina Eduadro Lorenzo, Rasalio Cesar, Amancio Gallarde at Nestor Baguio na mga tuahan sa loob ng farm.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang PDEA mula sa Chinese counterparts nila hinggil sa kinaroroonan ng shabu lab na makikita sa loob ng nasabing farm.
Ilang araw tinatrabaho ang natanggap na impormasyon hanggang isagawa ang pagsalakay at naaktuhan ang mga Chinese na nagtitimpla ng iba’t ibang liquid chemical.
Ang shabu laboratory ay kayang gumawa ng 25-kilo ng droga na aabot sa P 125 milyon kada araw-kung hindi natuklasan.
Nasa 1.3 ektarya ang farm na may babuyan at manukan sa loob nito upang hindi mapansin ng mga residente na may shabu laboratory.
Nasamsam ng PDEA ang mga drum na liquid chemical, lutuan, high tech na laboratoryo at iba’t ibang sangkap sa paggawa ng droga.