Lolo na may malubhang sakit, naglaslas ng leeg
MANILA, Philippines — Upang wakasan ang paghihirap sa lumalalang sakit ay winakasan ng isang 78-anyos na lolo ang kanyang buhay sa pamamagitan nang paglaslas ng leeg kamakalawa ng gabi sa bayan ng Bacacay, Albay.
Natagpuang patay at laslas ang leeg ng biktimang si Amando Bidol, sa Brgy. Napao may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.
Sa ulat ng pulisya, iniulat ng barangay chairman na si Michael Bellan ang pagkakadiskubre ng bangkay ng biktima na inireport sa kanya ng isang residente.
Nagresponde ang mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang duguang itak na hindi kalayuan sa bangkay.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na dumaranas ng matinding depresyon ang matanda sanhi ng “kidney failure” na siyang posibleng motibo nang pagpapatiwakal nito.
- Latest