^

Police Metro

Nagpanggap na pulis dinakip sa carnapping

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na nagpakilalang pulis dahil sa pagnanakaw ng kotse, illegal drugs at illegal possession of firearms sa Fairview, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Norberto Bernalez, 36, residente ng No. 3 Log-V Cluster 2, 4th Floor, Unit 6, Smile Citi-Homes  Annex, Brgy. Kaligayahan ng lungsod.

Bago ito ay nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang Kevin Aquino ng Brgy. Culiat, QC nitong nakalipas na Abril 2, 2018  matapos tangayin ng suspek ang kanyang Toyota Vios na nakapangalan sa kanyang tiyahin na si Marvic Joseph Roxas.

Namataan ang ninakaw na sasakyan sa Brgy. Fairview, QC dahilan para humingi ito ng tulong sa mga operatiba ng QCPD-DSOU kaya’t pinahinto ng mga pulis pagsapit sa kahabaan ng Sultan St., kanto ng Ascension Avenue.

Nang bumaba sa kotse si Bernaldez, ay nagpakilala na isang pulis at nagpakita pa ng  PNP badge,subalit wala naman itong maipakitang PNP ID.

Dinakip ng mga pulis ang suspek at nakumpiska dito ang isang cal. .45 Norinco pistol kasama ang pitong bala na walang kaukulang lisensya, PNP ball cap, badge at traffic vest, apat na sachets ng shabu at drug paraphernalia at ang umano’y ninakaw na dark brown Toyota Vios (AJA-1828).

CARNAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with