MANILA, Philippines — Nagbuga ang Bulkang Mayon ng makapal na abo kahapon na ikalawa nang insidente sa nakalipas na linggo kaya’t posibleng ito ay sasabog na.
Sa nasabing pangyayari ay ililikas ang nasa 7,000 hanggang 8,000 na daragdag sa 6,000 na nasa evacuation center dahil sa itinaas na sa alert level 4 ang Bulkang Mayon.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum na maaaring ang pagsabog ay tatawaging “phreato-magmatic” dahil sa ibubugang magma at abo.
Ang Volcanic ay posibleng sumabog patungong southwest dahil ang hangin ay magmumula sa northeast na makakaapekto sa Guinobatan, Camalig at malapit pang bayan.
Ang pagtaas ng alert level 4 ay pinakamataas ng babala na nagbabadya ng malakas na pagsabog at ang danger zone ay pinahaba hanggang 8 kilometro.
Mahigpit na binabalaan ng Phivolcs ang publiko na huwag pumasok sa danger zone at maging ang Civil aviation ay inabisuhan ang kanilang mga piloto na iwasan na lumapit sa tuktok ng bulkan dahil sa pagbuga ng abo na delikado sa mga eroplano.